Part 2.. Ofw Christmas be Like...

Yeah, hindi man nila ako kasama sa pasko ngaun pero magkakasama sama pa din naman kami sa susunod... Ang pagiging ofw ay hindi biro, me mga sinuswerte tulad ko at meron din namang minamalas... Pero iisa lang ang sandata ng lahat DASAL kasi walang imposible sa KANYA tumawag ka lang at ibibigay nya seo ang bawat hiling mo... hindi man sa ngayon pero sa tamang panahon...

Napakasarap isipin na lahat naibibigay mo ang lahat ng gusto ng pamilya mo... magandang buhay, magandang kinabukasan... yun naman ang dapat eh, di ba? Ako kasi praktikal akong tao ayaw kong mag hirap o makitang nahihirapan ang pamilya ko lalo na ang anak ko... totoo nga na pag naging isang ina ka na una mo ng iisipin ang kapakanan ng anak mo kesa sa sarili mo...

Mahalaga ang aking pamilya sila ang inuuna ko bago ang iba... Nag papasalamat ako na naintindihan nila na sa ngayon wala ako sa tabi nila... Kaya salamat sa makabagong teknolohiya kasi kahit malayo pinag lalapit din kami sa pamamagitan ng video chat... Napupunuan ko pa din ang tungkulin ko bilang isang ina at may bahay...

Sino ba namang magulang ang matitiis ang anak na hindi maibigay ang pangangailangan o gusto ng anak... o ang hindi maibigay ang magandang buhay... hindi kasi ako easy go lucky o di kaya yung palaasa sa magulang... Mula ng mag asawa kami ng asawa never kaming umasa o sumandal sa kahit na sino... Me mga up and down din kami, sinubok ng panahon, me mga bagyo ring dumaan samin... Salamat sa mga unos na dumaan samin dahil mas tumibay pa kami... Wala namang perpekto sa mundo nasa tao panu mo dadalin ang lahat ng pag subok... Dalawa lang naman ang pag pipilian mo ang Humawak o Bumitaw... Andyan na akala mo minsan hindi mo na kaya ang lahat pero kung talagang nag mamahalan at pinahahalagahan nyo ang bawat isa... Lahat ng yan balewala... Darating ang araw na tatawanan nyo na lang...

Kaya salamat sa Dios at hindi nya kami pinababayaan... Magkalayo man kami pero malapit pa din dahil kami ay Pamilya... Lahat ng pag titiis naming eto ay para sa magandang buhay na mahirap abutin kung wala kang pangarap...

Comments

Popular posts from this blog

What is Conyo/Conio? :)

Love is Magical

Do you believe in Magic?